Home

Thursday, September 6, 2012

Welcome Winners!

Sa lahat ng advisers at winners ng mga kategoryang Pagsulat ng isports at Paggawa ng Kartun sa Division Schools Press Conference 2012, sa site na ito ako magbibigay ng lahat ng aking mga challenges para gagawin nating on-line critiquing. 

Lalagyan ko ng labels na petsa at kategorya ang gagawin kong mga challenges para mabilis ninyong mababasa ang mga hamon na inyong gagawin. 


Gayundin, maglalagay ako ng mga link sa mga informative sites na maaari ninyong bisitahin upang mahasa kayong lalo sa inyong mga kategorya.


Halimbawang nakapag-post na ako ng challenge, kinakailangang maipasa ninyo ito sa aking e-mail address na pinoyshrek22@gmail.com bilang attatchment sa loob ng isang linggo. Sinadya kong hindi sa anyong kumento sa bawat post ang inyong gagawing sagot sa hamon upang hindi mabasa ng ibang internet users ang inyong ginawa.


Matapos kong basahin at rebisahin ang inyong sagot sa hamon, magre-reply ako sa inyong email-address mismo upang maturuan pa kayo kung papaano pa mapapaganda ang inyong ginawa.

Para sa kategoryang Pagsulat ng Isports, kinakailangang i-type n'yo ang inyong ginawa sa isang short bond paper at ipasa ito sa akin bilang attatchments.


Para naman sa Paggawa ng Kartun, maari ninyong i-scan ang drawing na inyong ginawa o kaya ay kuhanan ito ng larawan bago ipadala sa aking e-mail bilang attachment.


Matapos na ipasa ang iyong ginawa, mangyari lamang na i-text ako sa mga numerong ito: Smart-  0939-8281-927 at Globe - 0927-5583-707 upang ipaalam sa akin na nakapag-send na kayo ng inyong ginawa nang sa ganoon ay mabuksan ko ang aking e-mail at masuri ang inyong ginawa. Mangyari lamang na ilagay ang inyong pangalan at pangalan ng paaralan sa lahat ng inyong ipapasa.


Inaasahan ko ang inyong pakikisa.







2 comments:

  1. Sir it's me julie anna panssoy.. just wanted you to know that i have already visited your blog! :)

    ReplyDelete