Home

Tuesday, September 11, 2012

Pagsulat ng Isports Challenge 1 - Sept. 12-17

Sa lahat ng Sports Writer in Filipino:

Simula pa noong Dekada '60 hanggang sa kasalukuyan  ay namamayagpag pa rin ang career ni Efren "Bata" Reyes sa larong billiards. Dahil rito, walang duda na isa siya sa pinakahahangaang billiard player sa buong mundo.

Gamit ang mga impormasyon sa site ito http://en.wikipedia.org/wiki/Efren_Reyes nais kong gumawa kayo para sa una n'yong challenge ng isang Feature Article tungkol kay Efren "Bata" Reyes na magpapakita ng kanyang naiibang galing at karisma sa kanyang napiling sports. Gawing maaksyon ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mayamang pang-abay at sports linggo.

Kailangang maipasa ninyo ang inyong ginawang arikulo bilang attachment sa aking email address na pinoyshrek22@gmail.com hanggang Setyembre 12, 2012.



Paggawa ng Kartun Challenge 1 - September 12-17

Sa lahat ng Editorial Cartoonists:

Naging laman ng iba't ibang uri ng media si Sen. Tito Sotto dahil sa di umano'y pangongopya niya ng kanyang speech tungkol sa reproductive health na bahagi ng post ng isang blogger sa Internet. Dahil sa pangyayaring ito, samu't saring batikos ang tinanggap ng Senador partikular sa libo-libong netizens na napakatalas magbigay ng komentaryo.

Bilang unang gawain sa editorial cartooning ay nais kong gumawa kayo ng isang kartun na tutuligsa sa mga netizens o Internet users na walang pakundangan sa pagkopya ng gawa ng iba na hindi alintana ang batas tungkol sa "plagiarism". 

I-scan o kuhanan ng larawan ang inyong ginawang kartun at ipasa ito bilang attachtment sa aking email address na pinoyshrek22@gmail.com. 


Thursday, September 6, 2012

Welcome Winners!

Sa lahat ng advisers at winners ng mga kategoryang Pagsulat ng isports at Paggawa ng Kartun sa Division Schools Press Conference 2012, sa site na ito ako magbibigay ng lahat ng aking mga challenges para gagawin nating on-line critiquing. 

Lalagyan ko ng labels na petsa at kategorya ang gagawin kong mga challenges para mabilis ninyong mababasa ang mga hamon na inyong gagawin. 


Gayundin, maglalagay ako ng mga link sa mga informative sites na maaari ninyong bisitahin upang mahasa kayong lalo sa inyong mga kategorya.


Halimbawang nakapag-post na ako ng challenge, kinakailangang maipasa ninyo ito sa aking e-mail address na pinoyshrek22@gmail.com bilang attatchment sa loob ng isang linggo. Sinadya kong hindi sa anyong kumento sa bawat post ang inyong gagawing sagot sa hamon upang hindi mabasa ng ibang internet users ang inyong ginawa.


Matapos kong basahin at rebisahin ang inyong sagot sa hamon, magre-reply ako sa inyong email-address mismo upang maturuan pa kayo kung papaano pa mapapaganda ang inyong ginawa.

Para sa kategoryang Pagsulat ng Isports, kinakailangang i-type n'yo ang inyong ginawa sa isang short bond paper at ipasa ito sa akin bilang attatchments.


Para naman sa Paggawa ng Kartun, maari ninyong i-scan ang drawing na inyong ginawa o kaya ay kuhanan ito ng larawan bago ipadala sa aking e-mail bilang attachment.


Matapos na ipasa ang iyong ginawa, mangyari lamang na i-text ako sa mga numerong ito: Smart-  0939-8281-927 at Globe - 0927-5583-707 upang ipaalam sa akin na nakapag-send na kayo ng inyong ginawa nang sa ganoon ay mabuksan ko ang aking e-mail at masuri ang inyong ginawa. Mangyari lamang na ilagay ang inyong pangalan at pangalan ng paaralan sa lahat ng inyong ipapasa.


Inaasahan ko ang inyong pakikisa.