Home

Tuesday, September 11, 2012

Paggawa ng Kartun Challenge 1 - September 12-17

Sa lahat ng Editorial Cartoonists:

Naging laman ng iba't ibang uri ng media si Sen. Tito Sotto dahil sa di umano'y pangongopya niya ng kanyang speech tungkol sa reproductive health na bahagi ng post ng isang blogger sa Internet. Dahil sa pangyayaring ito, samu't saring batikos ang tinanggap ng Senador partikular sa libo-libong netizens na napakatalas magbigay ng komentaryo.

Bilang unang gawain sa editorial cartooning ay nais kong gumawa kayo ng isang kartun na tutuligsa sa mga netizens o Internet users na walang pakundangan sa pagkopya ng gawa ng iba na hindi alintana ang batas tungkol sa "plagiarism". 

I-scan o kuhanan ng larawan ang inyong ginawang kartun at ipasa ito bilang attachtment sa aking email address na pinoyshrek22@gmail.com. 


No comments:

Post a Comment